blockmates

eto yung 2nd entry para sa school bukol category ko hehe….. sorry natagalan kasi i’ve been very busy this past few days. anyways yun na nga, nung nag punta ako ng adamson marami akong napansin na pag babago! may flats screen tv na sila sa CS walk way, sa registrar office, sa ST gate sosyal na sila haha may fountain pa sa CS building pati sa ST quad meron din at ang lahat na ng classroom may aircon! di ko lang nakita yung SV building kasi wala naman akong gagawin dun tatawid pa ako…..no wonder tumaas ang tuition fees!

syempre i took the opportunity na rin na makipag-kita sa mga fwends ko at blockmates! gosh super na-miss ko sila as in!! lalo na si ara and meryll sila kasi yung super close ko talaga sa school…. una kung nakita si ara kasi nag text ako sa kanya na nasa school ako hala ang bata nataranta kahit di pa oras ng pag pasok nya pumasok na sya ng maaga para makita ako (miss din nya ako :lol: ) nagalit pa nga sa akin bakit di daw ako nagpa sabi eh malay ko ba biglaan nga lang pag punta ko dun. so yun na nga sinamahan nya ako sa pag aasikaso ng transcript ko tsaka kasama na ang daldalan ever isa yun sa mga na-miss ko talaga yung usapang walang katapusan… yung tipong shifting ang topic :lol: meaning di mo napapansin kung anu anu na pala napag usapan nyo sa mag hapon hehe….. napag usapan namin ang pag babalik eskwela ko if babalik ba ako, sana daw this coming sem para sabay naming kunin ang law 2 bagsak kasi sya wahahaha adik di kinaya na wala ako!! sabi nya yun ang reason haha…. gang sa napag usapan namin ang marimar! kamusta naman di ba kapus-o kasi sya gang sa pangarap na bituin inaasar ako about kay sarah etchusera mas maganda naman talaga PnB sa korimao aw! haha….. gang sa malapit na ang start ng klase nya and i have to go na rin pero ang gaga mapilit akalain mong ipagpaalam ako sa prof nya kung pwede ba akong mag seat in! (miss nya talaga ako :lol: ) eh sa mabait yung prof nya kaya ok lang sa kanya… kaya lang naiilang ako kasi lahat sila naka-uniform ako naka-sybillian (forgive the spelling) as in parang alien ako haha pero carry lang nahila na ako eh….. dun ko nakita ang mga ka-blockmates ko!!! ayun walang pag babago hahaha dating gawain sa classroom parin gumagawa ng assignment! hahaha except siguro may mga lovelife na ang mga lola mo hahahaha… dun ko nakita si meryll pumayat sya grabeh hehe tsaka mas fresh yung mukha nya ngayon huling kita ko kasi sa kanya bugnutin sya ang nagagawa nga naman ng lovelife :lol: …….

 so yun na nga naki-seat in ako taxation ang subject nila that time eh…. ang tarush may libreng session sa adamson haha may natutunan naman ako kahit papaano katulad ng refund and credit tax oha oha! hehehe…. pero dinaldal ko lang talaga ng husto si ara at meryll buti na lang talaga mabait yung prof nila haha, ay di pala nasita pala si AC kasi dinaldal ko rin sya haha kasi di ko naman talaga sya kausap infact ang layo pa nga ng table nya sa akin eh magkabilang dulo kami pero tinawag ako kaya nilingon ko sya kinamusta nya ako at kinamusta nya rin si sarah! haha silang lahat kinakamusta ako tapos segway kay sarah mga adik!! kaya natawa ako pati sya yun nasita sya ng prof nya hahaha pasaway kasi…… natapos ang klase nila na wala lang kasi nandun ako iba ang effect ko eh :lol:

next subject na nila sabi ko ara sabay ba tayo uuwi? hintayin na lang kita mag iinternet lang ako aba ang bata wag na daw mag seat in na lang daw ulit eh kilala ko kaya yung next prof nila kasi naging prof ko narin yun dati! haha…. di naman yun masungit kaya lang di yun nagpapa-seat in kaya ang sabi nya o sige maghintay ka dito hala eh wala akong kasama nun buti na lang at di sila pinasukan ng prof nila haha walang kupas si ma’am ganun din sya nung huli kong pasok sa school hahaha sabi kakain lang di na bumalik kaya kwentuhan ulit….. si AC kakaiba talaga mga banat nun may concert daw sya sa thursday (kahapon!) manuod daw ako (singing contest yun sa university akalain mong may contest dun :lol: asenso na talaga hahaha…… ) sabi ko naku may PnB sabi nya ganun kahirap mag desisyon? hahaha oo mahirap talaga as in seryoso nahirapan ako….. kaya ayun di ako naka punta haha sana nanalo sya….. bago kami umuwi kumain kami ng bake mac na-miss ko rin yun kasi yun lage pananghalian ko walang mintis every launch yun ang kinakain ko peborit ko eh…….

yung kwento ko medyo boring pero yung mismong araw na yan masaya talaga ako as in kasi bago pa ako mag punta ng school eh medyo malungkot na talaga ako ng mga ilang araw kasi di kona sila maramdaman yung pakiramdam na parang wala na akong kaibigan yung buhay ko umiikot sa bahay trabaho lang…. parang bukod sa mga popsters na madalas nagte-text sa akin wala nang ibang nagte-text sa akin na walang konek kay sarah…. di sa hindi ko gusto yun infact mas maraming maka-sarah mas nakaka-high :lol: kaya lang gusto ko nang buhay bukod kay sarah! gusto ko katulad ng dati na i get to enjoy the best of both worlds…… gets mo ba?!? hahhaha basta yun kaya masaya talaga ako nung araw na yun parang lumabas ako sa pinagtataguan ko….

transcript of records

last tuesday nagpunta akong adamson university. i went there for two reasons, una para kumuha ng transcipt of record pangalawa dahil super miss ko na ang aking mga fwenships at blockmates! since dalawa ang reason na ito dalawa din ang blog entry para dyan :lol: unahin ko muna ang transcript of records ko haha.

actually wala akong plano na pumunta dun kaya lang nagkaroon ng pagbabago sa office biglang nagka rotation ng paghuhugas ng pinggan and i hate the thought na baka nga maghugas nga ako ng plato, di sa maarte ako, in fact sa bahay namin ako ang inday ng buhay nila kung marunong nga lang akong magluto malamang all around na ako :lol: anyways ayoko kasing maghugas sa office parang kakaiba lang ayoko lang talaga ng pakiramdam na ako ang maghuhugas so monday afternoon out of the blue bigla kong nasabi sa tita aka boss ko na di ako papasok bukas and pumayag naman sya kasi kung hindi dadanak ang dugo!! haha joke lang ginagaya ko lang si emeng! so kinagabihan ng monday iniisip ko na kung anu nga bang gagawin ko…. since matagal ko nang planong maghanap ng trabaho para makabalik na ako sa pag aaral! kasi naman ok na sana itong work ko kay tita kaso yung kinikita ko dito tamang pang-baon ko lang for 1 month kasama na yung misc fees hehe walang pang tuition ni pang enroll di sasapat haha. kaya inasikaso ko na lang yung SSS ko kasi nawala ko yung # ko dun! then habang inaayus ko yun bigla akong nag-worry lage naman eh haha kapag naiisip ko talaga yung paghahanap ng trabaho di ko gusto yung pakiramdam ko!

paano ako maghahanap ng work? saan ako maghahanap ng work? anung work ang dapat sa akin? paano ang interview? exams? yung pakikisama ulit? yung susuotin ko? yung physical apperance ko? paano na?! at marami pang iba! pero kapag naiisip ko na masyado na akong maraming naaksayang oras at pagkakataon wala parin nag-aalala parin ako :lol: so ayun naayus ko na ang SSS ko transcript naman ang dami ring kaek-ekan sa pagkuha nun nagpunta ng library, deans office, OSA, cashier tapos kailangan pa ng 2×2 picture kalurkey kaya i have to go back pa kinabukasan and so i did just to found out na di ko pa pala makukuha yun sa oct 3 pa! pasaway!!!

sabagay enough time to look for a job! feeling ko kasi di pa ako emotionally and physically ready to look for a job a real job feeling ko kasi i should be in school nag aaral ng mabuti! wala sa tapat ng pc 12hrs a day hehe! feeling ko dapat sa thesis ko ako pressure di sa tita ko! feeling ko dapat nagre-research ako ng info about sa project ko di about kay emeng (pero if nagre-research nga ako ng project ko im sure masisingit ko yung about kay emeng :lol: ) di ko iisipin tumakas sa paghuhugas ng plato kasi kakain ako sa canteen at yung mga utilities or janitor ang gagawa nun hehe….. dapat di ako galing sa office para habulin ang episode ni emeng kundi galing sa school! dapat yung pera ko galing sa ate ko di galing mismo sa akin!dapat graduating na ako! di yung nandito ako naghihintay kung kelan ako ga-graduate!!!

you know what insanity means it’s doing the same things over and over again and expecting things would be different!! for 5 mos i’ve been working with my tita pero walang nangyayari sabi ko nung nagdecide akong huminto babalik ako papalipasin ko ang 1 sem enough time for me and my family to get back on track pero what supposed to be 1 sem break turn out to be a 1 school year break at natatakot ako na baka isang sem nanaman ang lilipas na walang nangyayari sa buhay ko! isang sem nanaman ang mawawala at masasayang! ngayon ko nadarama na i have wasted so much of everything! and i feel kailangan ko nang kumilos bago pa ako maging jaded and broken! awow! haha pero di ko lang talaga alam kung saan at paano ako mag uumpisa parang tinitignan ko pa lang yung road to success ko nahihirapan na ako!!!