kapamilya

enough of sarah…. family ko naman haha…. i love my family sobwa!!! they are fantastic walastik boombastic though sometimes may pagka saltik! :lol:

i’ll start with my mom, nung bata pa ako ayoko sa mama ko kasi namamalo sya eh, alam mo yun masakit na sya mag salita masakit pa mamalo, sitsit lang nya natataranta na akong umuwi sa bahay baka mahila nanaman nya yung buhok ko malapit sa tenga masakit kaya yun haha… kaya lumaki ako na di talaga close sa kanya gang sa nagdalaga ako! as in di kami magkasundo sa madaming bagay….. lalo na sa bunso kong kapatid! may favoritism kasi sya! pero di ko habol na maging peborit din ako ang gusto ko lang maging fair sya sa aming lahat well i guess life is unfair and so is my mother, but i love her as in!…..

next ang kuya obet ko! i dont know him that much! di kasi sya lumaki sa amin kay lola sya nakatira, kasama yung boss ko este tita pala hehe…..medyo masalimuot kasi ang dahilan bakit napahiwalay sya sa amin! (naks! pang MMK! haha) ang alam ko lang eh dati patapon ang buhay nya! tsaka galit sa kanya ang mama ko! kapag nadalaw sya sa bahay nagwa-walk out ang mama ko haha….. pero dati yun ngayon may sarili na syang pamilya naguusap narin sila ni mama….. pero pasaway parin paminsan-minsan….

si ate marge 2nd sya peborit ate ko! haha…. kami ang close sa lahat ng magkakapatid! madalas ako kasama ni ate sa mga lakad nya! at gustong gusto ko sumasama sa kanya kasi madalas may food trip kapag kasama sya haha… ang ayoko lang kapag kasama ako tapos kasama rin fwends nya OP ako eh :lol: pero kahit close kami nun takot parin ako sa kanya as in kapag galit sya di ko alam kung anu gagawin ko! kahit di ako ang dahilan bakit sya nagalit natatakot parin ako! haha… mas takot pa nga ako sa kanya kesa sa mama ko!minsan nagka galit kami isang buwan di kami nagpansinan…. nagka galit kami kasi naglayas ako :P pero alam mo na mahal ko yun eh kaya nagkabati rin kami! sa lahat sa kanya ako nagtitiwala at naniniwala!

the black sheep of the family ate apeng weird ng nickname nuh haha actually kaming huling 3 sa magkakapatid weird ang nicknames lalo na sa akin pinaka weird!anyways maricris ang real name nya! kaaway ko ito eh… dati haha…. naalala ko nung bata pa kami nag aaway kami di lang basta away pisikalan! haha nagsasabunutan, naghahampsan ng panungkit, naghahagisan ng damit! at ang pinag aawayan namin…………….lalaki!!! :lol: charus! syempre gawaing bahay lang! tapos isang araw sabi nya may outing sila ng barkada nya ang 1 week naging 1 month hanggang naging 3 mos hanggang pagbalik nya may asawa na sya at buntis na! pasaway talaga! so yun may pamagkin na akong adik kay sarah :lol:

4th child ako na! haha….. ako ang pinaka weird sa lahat sa nicknames buti pa yung kay ate may dahilan kasi may apeng daldal ako wala talaga di ko alam bakit yun binigay ng nanay ko! kung anu yun wag mo nang alamin kakahiya lalo na nung nagdalaga ako hang baho talaga ng pangalan ko! haha buti na lang umayos sa real name ko haha ako lang yung may 2nd name sa aming lahat oha oha!sa lahat din ako yung may weird na sakit! wag mo na rin alamin kung anu yun pero kakahiya din yun haha… buti na lang di na sya umaatake ngayon!….. tsaka ako lang yung walang fwends sa lugar namin kasi si ate marge meron sya dati kaya lang nung naging close kami di narin sya lumalabas ng bahay haha…. pero ako talaga wala! mga kalaro ko kasi dati ang bilis nagdalaga eh 3rd yr highschool naglalaro pa ako ng tex at pog! haha…..

ang 2nd black sheep! mas malala nga lang sya! as in madalas din kami mag away nito eh naalala ko nung minsan nag away kami pisikal din yun college na ako nun haha…… sinapak kasi ako tama ba yun sinapak ko nga rin akala nya sya ang kuya! kaya yun di kami nag uusap hanggang ngayon!si kenneth ang pinakabalahura sa amin! uuwi lang yan kapag gutom sya at magpupunta ng powder room :P pero di mo makikitang nasa bahay sya nakatambay…. nasa barkada sya gumagawa ng kalokohan! at minsan din di sya umuuwi maghapon na syang wala magdamag parin syang wala!…di na sya nag aaral kasi bulakbol! namimili pa ng school kung nsaan ang barkada dun din sya eh buti kung mabuti ang dulot ng barkada nya kaso hindi eh lalo lang syang nagiging suwail…. pero kahit na ganun peborit parin sya ng nanay ko na talagang kinaiinis ko kaya ako naglayas nun :P

ayan ang family kong may saltik! hahaha…. ay fantastic pala! nakalimutan ko yung pamngkin ko! sya yung adik kay sarah :lol: kung may hinahanap ka siguro yung papa ko yun hehe narating na kasi ni papa yung pangarap nyang bituin! nasa heaven na sya for 9 yrs…. last sept 30 anniversary ng pagka-abot nya sa bituin…hehe….. papa’s girl ako as in hehe….. kaya sadness that he had to go earlier than expected!……

Post a Comment