hayif….

hayif ay salitang pex na binuo at pinauso ni boss (hello boss!) slang word sa ha-yop para di offending tama ba boss? :lol:

hayif ang title kasi hayif ako sa kaba hahaha bukas may exam ako para sa libangan na interesado ako! nikakabahan ako kasi 1st time ko haha ni wala nga akong pang business attire ka-lurkey hahaha….basta hayif ang pakiramdam ko di ko nga alam kung nasan ang emerald street na yan eh eh kung si emeng lang yun madali kong makikita sa tv tuwing 8:30 ng gabi hahaha….kaso hindi eh! uber na talaga ako sa kaba parang isang malaking adventure ito bukas bahala na diyos ng intsik! sa malltour nga ni sars nakakarating ako lalo na siguro sa emerald street :lol:

basta goodluck sa akin malamang nito di lang nose bleed maranasan ko baka pati tenga at mata ko mag dugo :lol:

i want to be complete…. from s to h…

someone told me that my world is so big that it starts with a letter S and ends with a letter H….. guess who that is!… it’s sarah! i was shocked on how she said it like he was saying that other than sarah i dont have nothing! which is quite true! but i dont like the feeling after she said it to me i was like “what are you talking about!?”

the conversation starts by asking asking me if asap will be aired this sunday! and i told her nope it will be pre-empted because of kasal, kasali, kasalo and agent X44, then she said sa 14 wala ring asap? then i answered maybe or maybe it will just be moved on a later slot! and then i said it will be too much if asap will be pre-empted again… and then she asked me why? i answered, coz i haven’t seen sarah yet since the day she came back from her US tour! and then she said something like are you nuts? you always see her everynight and whole day in the computer, isn’t that enough? and i said i mean i haven’t seen her sing live at the asap or whatever! and that’s when she said “ang laki ng mundo mo ah! simula s hanggang h!”

after she said that i felt really bad, it’s like saying you should get a life! ok i admit for months all i know is sarah! but believe me i am trying to get a life other than sarah, i call friends up on the phone but whenever i do that they are not home yet, if i do text them a respond is like a wind in the air you feel them but you cannot see them that’s horrible to me! lovelife is not in my plans right now! if someone comes along they turn into a jerk even before i say yes to date, from the book i read i should stay away from guys like them., so apparently i really dont have a life other than sarah…. that is why i felt so bad last night until this morning, truth really hurts! but i dont complain, i mean it’s sarah, i’d rather go out in the mall to see her than a date with a jerk, i’d rather stay infront of this computer talking with the popsters and get a sound respond than call and text my friend just to find out that they are not there……( but i miss them)

have i told you that being a fan is not easy…. but fun. oh well i just miss sarah, that’s why i asked myself is it wrong to miss sarah? for her to react in that way! coz if it is…. im guilty!

kapamilya

enough of sarah…. family ko naman haha…. i love my family sobwa!!! they are fantastic walastik boombastic though sometimes may pagka saltik! :lol:

i’ll start with my mom, nung bata pa ako ayoko sa mama ko kasi namamalo sya eh, alam mo yun masakit na sya mag salita masakit pa mamalo, sitsit lang nya natataranta na akong umuwi sa bahay baka mahila nanaman nya yung buhok ko malapit sa tenga masakit kaya yun haha… kaya lumaki ako na di talaga close sa kanya gang sa nagdalaga ako! as in di kami magkasundo sa madaming bagay….. lalo na sa bunso kong kapatid! may favoritism kasi sya! pero di ko habol na maging peborit din ako ang gusto ko lang maging fair sya sa aming lahat well i guess life is unfair and so is my mother, but i love her as in!…..

next ang kuya obet ko! i dont know him that much! di kasi sya lumaki sa amin kay lola sya nakatira, kasama yung boss ko este tita pala hehe…..medyo masalimuot kasi ang dahilan bakit napahiwalay sya sa amin! (naks! pang MMK! haha) ang alam ko lang eh dati patapon ang buhay nya! tsaka galit sa kanya ang mama ko! kapag nadalaw sya sa bahay nagwa-walk out ang mama ko haha….. pero dati yun ngayon may sarili na syang pamilya naguusap narin sila ni mama….. pero pasaway parin paminsan-minsan….

si ate marge 2nd sya peborit ate ko! haha…. kami ang close sa lahat ng magkakapatid! madalas ako kasama ni ate sa mga lakad nya! at gustong gusto ko sumasama sa kanya kasi madalas may food trip kapag kasama sya haha… ang ayoko lang kapag kasama ako tapos kasama rin fwends nya OP ako eh :lol: pero kahit close kami nun takot parin ako sa kanya as in kapag galit sya di ko alam kung anu gagawin ko! kahit di ako ang dahilan bakit sya nagalit natatakot parin ako! haha… mas takot pa nga ako sa kanya kesa sa mama ko!minsan nagka galit kami isang buwan di kami nagpansinan…. nagka galit kami kasi naglayas ako :P pero alam mo na mahal ko yun eh kaya nagkabati rin kami! sa lahat sa kanya ako nagtitiwala at naniniwala!

the black sheep of the family ate apeng weird ng nickname nuh haha actually kaming huling 3 sa magkakapatid weird ang nicknames lalo na sa akin pinaka weird!anyways maricris ang real name nya! kaaway ko ito eh… dati haha…. naalala ko nung bata pa kami nag aaway kami di lang basta away pisikalan! haha nagsasabunutan, naghahampsan ng panungkit, naghahagisan ng damit! at ang pinag aawayan namin…………….lalaki!!! :lol: charus! syempre gawaing bahay lang! tapos isang araw sabi nya may outing sila ng barkada nya ang 1 week naging 1 month hanggang naging 3 mos hanggang pagbalik nya may asawa na sya at buntis na! pasaway talaga! so yun may pamagkin na akong adik kay sarah :lol:

4th child ako na! haha….. ako ang pinaka weird sa lahat sa nicknames buti pa yung kay ate may dahilan kasi may apeng daldal ako wala talaga di ko alam bakit yun binigay ng nanay ko! kung anu yun wag mo nang alamin kakahiya lalo na nung nagdalaga ako hang baho talaga ng pangalan ko! haha buti na lang umayos sa real name ko haha ako lang yung may 2nd name sa aming lahat oha oha!sa lahat din ako yung may weird na sakit! wag mo na rin alamin kung anu yun pero kakahiya din yun haha… buti na lang di na sya umaatake ngayon!….. tsaka ako lang yung walang fwends sa lugar namin kasi si ate marge meron sya dati kaya lang nung naging close kami di narin sya lumalabas ng bahay haha…. pero ako talaga wala! mga kalaro ko kasi dati ang bilis nagdalaga eh 3rd yr highschool naglalaro pa ako ng tex at pog! haha…..

ang 2nd black sheep! mas malala nga lang sya! as in madalas din kami mag away nito eh naalala ko nung minsan nag away kami pisikal din yun college na ako nun haha…… sinapak kasi ako tama ba yun sinapak ko nga rin akala nya sya ang kuya! kaya yun di kami nag uusap hanggang ngayon!si kenneth ang pinakabalahura sa amin! uuwi lang yan kapag gutom sya at magpupunta ng powder room :P pero di mo makikitang nasa bahay sya nakatambay…. nasa barkada sya gumagawa ng kalokohan! at minsan din di sya umuuwi maghapon na syang wala magdamag parin syang wala!…di na sya nag aaral kasi bulakbol! namimili pa ng school kung nsaan ang barkada dun din sya eh buti kung mabuti ang dulot ng barkada nya kaso hindi eh lalo lang syang nagiging suwail…. pero kahit na ganun peborit parin sya ng nanay ko na talagang kinaiinis ko kaya ako naglayas nun :P

ayan ang family kong may saltik! hahaha…. ay fantastic pala! nakalimutan ko yung pamngkin ko! sya yung adik kay sarah :lol: kung may hinahanap ka siguro yung papa ko yun hehe narating na kasi ni papa yung pangarap nyang bituin! nasa heaven na sya for 9 yrs…. last sept 30 anniversary ng pagka-abot nya sa bituin…hehe….. papa’s girl ako as in hehe….. kaya sadness that he had to go earlier than expected!……

these dreams

sa mga lurkers at laging nagbabasa sa aking blog andito na ang dreams account ko :lol:

 THE PALENGKE TOUR

it started tuesday na kasi madaling araw na nun, malamang! ang alam kong settings ng panaginip kong yun eh sa palengke oha oha kasi may mga isda eh tsaka manok na parang nagtitinda sa palengke….. napadaan dun si sarah di ko alam kung nagtitinda ba ako o bumibili haha…. so yun syempre mega lapit ako papicture at pa sign ng CD parang mall tour! haha….. tapos ang alam  ko nagpabalik balik ako nun kasi lagi akong may nakakalimutan papirmahan! yun lang haha…. sa palengke yung settings pero may pirmahan….. palengke tour ang tawag dun!! hahahaha…..

 BESTFRIEND

eto wdnesday naman… ang settings nito parang sa isang building sya eh kaloka bestfriend ako ni sarah dito wahahaha usually kasi hanggang sa dreams ko isa akong fan…. medyo naiba sya ngayon ang naalala ko lagi may pinaguusapan kami ni sarah na di ko naman alam kung anu :lol: :P pero alam mo yun close talaga kami kasi makiki tulog pa sana sya sa amin nun kaya lang ewan bakit di natuloy kasi chikahan na lang kami tsaka picturan! haha…..

KONTRABIDA

thurday naman ito magkakasunod talaga! haha….. ang weird ng dream ko na ito kontrabida kasi yung dating nya eh ang settings naman nito ay asap studio parang kakatapos lang ng Music room tapos kinausap sya ni martin nievera about something na ikinagalit ni martin he was saying na bakit mo sinabi yun kay luke mijares…. so si sarah hinabol nya si luke sinabi nya kay luke kaya kong pabagsakin ang carrer mo sabay walk out tapos nun wala na tapos na! haha….

bitin ang mga dreams ko nuh! kung pwede lang matulog ulit tapos to be continued ang dream :lol: bago pala ako magkaroon ng potdreams (potdreams is a state of mind where you dreamed about pot….para sa mga di adik na di alam!ang word na yun haha!) sabi ko kapag nagkaroon ako ng potdreams tataya ako sa lotto haha! kasi dati ko pa gusto tumaya baka swertihin alam mo yun one hit wonder milyonarya na! haha kaya lang di ako marunong tumaya! kaya yun idinaan ko sa fate! awow! hahaha….kaya lang kahit nanaginip na ako di parin ako tumataya di nga kasi ako marunong :lol: tsaka anung # itataya ko hahaha…..

 hello nga pala kay boss!!!! :P

the chronicle of a fan

ok blog muna bago ko gawin ang project ko hehe….. im a self confess sarah fanatic! super to the highest level! lahat ng latest updates alam ko kung hindi man i will hate myself haha… lahat ng posibleng di mo alam tungkol kay sarah malamang sa hindi alam ko like mahilig sya sa aso, nawala ang aso nyang si cho sa lacson street sa may sta cruz! speaking of sta cruz may salon at boutique sya dun! malapit sa UST “POPSTAR SALON AND BOUTIQUE“….. shine, cheng at gab ang nicknames ng mga kapatid nya! sya bebe, bebang, pot, shabs, emeng still counting haha….. kumakain sya ng halo-halo minus the ice! as in sahog lang, minsan syang sumakay ng ride na nakakatakot o nakakaikot ng tyan na ride yung tipong mapapasigaw ka! sa isang amusement park kung lahat sumisigaw dahil sa ride na yun sya hindi tamang nakapikit lang sya bawal sumigaw baka magasgas ang boses hehe…… nakapanuod sya minsan ng concert ni celine dion sa US oha oha! i can give you thousands of infos that you dont know ( except if your an addict!) about this girl but that wiil be another entry haha.

i’ve been a fanatic since 2004 haha 3 yrs na akong humahanga sa taong ito and did you know na more than 4 yrs pa lang si sarah sa business! di pa kasama yung mga penpen de sarapen ang tv days nya. isang taon bogo ko na-realize na avid fan ako! at first kasi in super denial ako! di naman kasi talaga ako mahilig sa artista! lalo na sa mga local acts ang baduy kaya! aasarin pa ako sa school ang uso kaya nun mga britney spears destiny’s child christina aguillera tapos isang sarah geronimo….. who the …. is she hehe…… wushu pero deep inside haha…..  so yun every year lalo akong naho-hook kasi lalo naman syang gumagaling every year………

nung nalaman kong gusto ko talaga sya i start to follow her! sa tv lang syempre di pa ako umaabot sa ganung level noon!, ngayon mo ako tanungin about dyan! haha…. malapit na akong maging stalker ni sarah :lol: going back, ang asap na di ko trip panuorin noon ngayon cant stand to miss one episode unless sarah is not there….. sarah the teen princess awow! di pa ako ganun ka-hook (hirap gamitin ang salitang adik di naman kasi ako adik! :lol: ) kaya marami akong na-miss na episode may klase pa kasi ako sa hapon! pero kapag gusto kong manuod talaga ng STTP walang makakapigil sa akin kahit school…. nag-cut ako ng klase ko dahil sa STTP haha not once but many times haha luckily yung prof ko that time madalas ding absent! oha oha kung ang mga student ngayon di pumapasok sa klase dahil sa computer games ako kay sarah :lol: at alam mo ba na inuulit kong panuorin ang STTP ngayon sa YT kasi nga kahit nag-cut ako ng klase noon may mga na-miss parin akong epi! ni di ko nga alam bakit nandun si alwyn wahaha… sa album you name it meron ako nyan from popstar a dream come true to sweet 16 na nag shift sa the other side of sarah na napunta sa bituing walang ning ning OST na nag take flight sa taking flight nya actually kulang pa yan eh wala pa ako nung can this be love OST, sing along with sarah, nung 1st year college ako meron akong gustong gusto na bilhin na album nya along with the other champs yung night of the champions live CD, hinahanap ko ngayon yun wala na akong makita! magazines! medyo kulang ako nito eh kasi naman wala akong budget nyan dati eh ngayon meron na! :P sa dyaryo di masyado nababasa ko naman sa site eh haha unless meron din syang article sa phil star dekwatin ko na lang yung nandito sa office :P paminsan-minsan sa tabloid at niiipon ko yan haha sabi ng ate ko sa akin anu yan collection? haha oo bakit?…. wala lang akong time asikasuhin ang scrap book ko! hehe…..

at kung anu reaction ng family ko? …………………….. wala lang haha minsan nasisita ako pero i think they got used to me na rin haha… dati kasi halos araw araw akong nagpapatugtug ng CD ni sarah! bago ako pumasok sa school! sabi ng mama ko sa akin anu ba yan kabisado ko na lahat ng kanta ni sarah! ang ingay ingay puro na lang sarah! haha that’s when i realized na im being to insensitive! na ako lang ang hook kay sarah! na ako lang! kaya since then bihira na lang akong magpatugtug as per request na lang ng pamangkin ko…. hahaha kaya napa bili ako noon ng mp3 na puro sarah lang talaga ang laman kaya nasira yun eh wala nang ibang alam tugtugin :lol: ngayon computer ko naman hahahaha…… sa mga fwends ko naman wag na wag silang magkaka mali na i-compare si sarah sa ibang singers lalo na kay shin dahil dadanak ang dugo! haha…. charus i do take naman criticisms pero di mo maiaalis sa akin ang ipagtanggol yung tao automatic na yan kung talagang nagkamali si sarah, halimbawa sa pagkanta may reasons yan as in ang daming reasons hanggang makalusot at matanggap nila na ganun talaga si sarah yun eh :lol: pero minsan talaga may masasakit na comments lalo na kung galing sa ibang tao at di sa adik! :P

being a fan madami na akong na-experince at nadama it’s quite hard pero masaya rin naman! there’s this instance na may # si sarah sa asap and kasabay ko manuod ang ate ko (lagi kami ang magka jamming sa tv every sunday haha!) may comment sya na talagang tumatak sa akin haha! here it goes “anu ba yan si sarah! ang boring naman magperform nyan!” ouch! it hurts! masakit talaga! as in yung ilang araw kong dinamdam yun! haha napaka simple ng comment nyang yun pero ewan ko ba! talagang tinamaan ako eh since then lahat na ng side comments nya masakit! seryoso, i admit i am very sensitive when it come to sarah! as in! ayoko na nasisita ako na tigilan mo na si sarah! ayokong pinagsasabihan ako tapos sabay segway about sarah when in fact walang connect si sarah sa ginawa ko! it really annoys me super! ok lang kung mga war freak addict ang mag sabi at mag bigay ng comment ng ganun! kasi yun sarado na ang mga isip nila na ayaw nila si sarah… kahit pa napaka ganda ng performance ni sarah pangit parin! what hurts the most is the people close to you but dont know how sensitive you are! pero as i have said i take criticisms! so yung sa ate ko at sa iba pang nakakakilala sa akin na di adik kay sarah na mas maraming side comments, carry lang! it’s all part of the biggest journey of my life as a fan!

ayan mega kwento ako about me being a fan madami pa yan kaya lang kasi nga ang haba haba na nito! parang nobela na ang ginagawa ko! haha….. i’ll post na lang another entry about this as for now eto muna! hehe…… parang ang dami ko nang utang na entry! hehe…