eto yung 2nd entry para sa school bukol category ko hehe….. sorry natagalan kasi i’ve been very busy this past few days. anyways yun na nga, nung nag punta ako ng adamson marami akong napansin na pag babago! may flats screen tv na sila sa CS walk way, sa registrar office, sa ST gate sosyal na sila haha may fountain pa sa CS building pati sa ST quad meron din at ang lahat na ng classroom may aircon! di ko lang nakita yung SV building kasi wala naman akong gagawin dun tatawid pa ako…..no wonder tumaas ang tuition fees!
syempre i took the opportunity na rin na makipag-kita sa mga fwends ko at blockmates! gosh super na-miss ko sila as in!! lalo na si ara and meryll sila kasi yung super close ko talaga sa school…. una kung nakita si ara kasi nag text ako sa kanya na nasa school ako hala ang bata nataranta kahit di pa oras ng pag pasok nya pumasok na sya ng maaga para makita ako (miss din nya ako
) nagalit pa nga sa akin bakit di daw ako nagpa sabi eh malay ko ba biglaan nga lang pag punta ko dun. so yun na nga sinamahan nya ako sa pag aasikaso ng transcript ko tsaka kasama na ang daldalan ever isa yun sa mga na-miss ko talaga yung usapang walang katapusan… yung tipong shifting ang topic
meaning di mo napapansin kung anu anu na pala napag usapan nyo sa mag hapon hehe….. napag usapan namin ang pag babalik eskwela ko if babalik ba ako, sana daw this coming sem para sabay naming kunin ang law 2 bagsak kasi sya wahahaha adik di kinaya na wala ako!! sabi nya yun ang reason haha…. gang sa napag usapan namin ang marimar! kamusta naman di ba kapus-o kasi sya gang sa pangarap na bituin inaasar ako about kay sarah etchusera mas maganda naman talaga PnB sa korimao aw! haha….. gang sa malapit na ang start ng klase nya and i have to go na rin pero ang gaga mapilit akalain mong ipagpaalam ako sa prof nya kung pwede ba akong mag seat in! (miss nya talaga ako
) eh sa mabait yung prof nya kaya ok lang sa kanya… kaya lang naiilang ako kasi lahat sila naka-uniform ako naka-sybillian (forgive the spelling) as in parang alien ako haha pero carry lang nahila na ako eh….. dun ko nakita ang mga ka-blockmates ko!!! ayun walang pag babago hahaha dating gawain sa classroom parin gumagawa ng assignment! hahaha except siguro may mga lovelife na ang mga lola mo hahahaha… dun ko nakita si meryll pumayat sya grabeh hehe tsaka mas fresh yung mukha nya ngayon huling kita ko kasi sa kanya bugnutin sya ang nagagawa nga naman ng lovelife
…….
so yun na nga naki-seat in ako taxation ang subject nila that time eh…. ang tarush may libreng session sa adamson haha may natutunan naman ako kahit papaano katulad ng refund and credit tax oha oha! hehehe…. pero dinaldal ko lang talaga ng husto si ara at meryll buti na lang talaga mabait yung prof nila haha, ay di pala nasita pala si AC kasi dinaldal ko rin sya haha kasi di ko naman talaga sya kausap infact ang layo pa nga ng table nya sa akin eh magkabilang dulo kami pero tinawag ako kaya nilingon ko sya kinamusta nya ako at kinamusta nya rin si sarah! haha silang lahat kinakamusta ako tapos segway kay sarah mga adik!! kaya natawa ako pati sya yun nasita sya ng prof nya hahaha pasaway kasi…… natapos ang klase nila na wala lang kasi nandun ako iba ang effect ko eh
next subject na nila sabi ko ara sabay ba tayo uuwi? hintayin na lang kita mag iinternet lang ako aba ang bata wag na daw mag seat in na lang daw ulit eh kilala ko kaya yung next prof nila kasi naging prof ko narin yun dati! haha…. di naman yun masungit kaya lang di yun nagpapa-seat in kaya ang sabi nya o sige maghintay ka dito hala eh wala akong kasama nun buti na lang at di sila pinasukan ng prof nila haha walang kupas si ma’am ganun din sya nung huli kong pasok sa school hahaha sabi kakain lang di na bumalik kaya kwentuhan ulit….. si AC kakaiba talaga mga banat nun may concert daw sya sa thursday (kahapon!) manuod daw ako (singing contest yun sa university akalain mong may contest dun
asenso na talaga hahaha…… ) sabi ko naku may PnB sabi nya ganun kahirap mag desisyon? hahaha oo mahirap talaga as in seryoso nahirapan ako….. kaya ayun di ako naka punta haha sana nanalo sya….. bago kami umuwi kumain kami ng bake mac na-miss ko rin yun kasi yun lage pananghalian ko walang mintis every launch yun ang kinakain ko peborit ko eh…….
yung kwento ko medyo boring pero yung mismong araw na yan masaya talaga ako as in kasi bago pa ako mag punta ng school eh medyo malungkot na talaga ako ng mga ilang araw kasi di kona sila maramdaman yung pakiramdam na parang wala na akong kaibigan yung buhay ko umiikot sa bahay trabaho lang…. parang bukod sa mga popsters na madalas nagte-text sa akin wala nang ibang nagte-text sa akin na walang konek kay sarah…. di sa hindi ko gusto yun infact mas maraming maka-sarah mas nakaka-high
kaya lang gusto ko nang buhay bukod kay sarah! gusto ko katulad ng dati na i get to enjoy the best of both worlds…… gets mo ba?!? hahhaha basta yun kaya masaya talaga ako nung araw na yun parang lumabas ako sa pinagtataguan ko….
mousmous said,
September 28, 2007 at 5:34 pm
yown naman, nakalibre pala ng session! at mas masaya talaga pag maraming ka-session, ke me konek kay sarah o wala, masaya pag marami kang kakwentuhan! naisip ko tuloy mga fwends ko in different worlds, kumusta na kaya sila, mas madalas ko kasi kausap ngayon ang mga adiktus kong fwends na me konek kay sarah…..katulad today, dahil sa kagustuhan kong manood ng PNB, tinabla ko si fish friend ko, bday nya kasi kahapon…kasi napagod ako, nagpunta pa kasi ako tagaytay bago pupunta pa sa kanila, kaya umuwi na lang ako……mabuti na lang may mga kwentong barbero ako para sa kanya sa text
ayun, naligayahan ang lola mo
tinsters said,
October 1, 2007 at 2:28 am
ayown di natiis si emeng
sulit naman ba pagpili sa kaadikan umaapoy na ang bibig ni plastikman hahaha….. at sosyal around the world ang mga fwends!!! hahaha….anung namang barbero yan ate…..
mousmous said,
October 3, 2007 at 7:47 am
uu naman sulit! ung kwentong barbero kasi about sa dati naming boss na alive ang lovelife ngayon!
kasi naglihim sa amin yun, di niya alam na pag may apoy, may usok!
tinsters said,
October 4, 2007 at 1:15 am
aba naman!!! buti pa ang buhay pag ibig ni boss ok sa alright yung kay emeng wala!
…… paano kumalat ang balita?!? wahahaha naki-chismiss ako!
mousmous said,
October 4, 2007 at 2:36 am
kasi ung mga confidante nay kuno dun sa dati naming office, ni-chika sa amin na ung isang ka-tropa namin, umuwi galing ng dubai for a vacation. Kami di ni-inivite lumabas, pewo siya ni-invite, e kalokohan nila, di sumama ung iba, in the end, parang naging dinner date ni boss at nung ka-tropa namin…itong ka-tropa namin, dati namin kasama dun, staff din ni boss…pero obvious ksi na pag kaharap nya un, ang ganda ng mga ngiti
tinsters said,
October 5, 2007 at 3:01 am
naks inlababo ang boss nyo haha……at mula sa dubai nakarating ng dinner date hahaha it must be love….. meant to be!
mousmous said,
October 5, 2007 at 4:53 am
korek! meant to be! at in denial ang papa namin hehe, parang si terrence! pero un lang ang ni-invite nya sa date bago siya umalis…nagtatampo nga kami eh
tinsters said,
October 5, 2007 at 6:03 am
awow! nagtatampo pa! hahaha….. yaan mo na ate ang mahalaga ay yung importate may lovelife sila dapat ikaw rin hahahaha…..
mousmous said,
October 26, 2007 at 1:31 pm
haha! at talaga lang ha!