i miss writing….wala lang kasi naging abala ako lately (abala ako sa pot and bato session
) ang dami ko pa namang ikwento at sabihin since last week of august kaya lang busy talaga ako hehehe…..
sa ngayon eto muna fresh from kagabi, kaharutan ko ang pamangkin ko kagabi wala lang kulitan lang. masaya naman takbuhan dito, talunan doon, tawanan, kulitan. usually habulan ang laro namin hehe o kaya suntukan sya daw kasi si power ranger speedy hahahaha ang bayolente!! di kasi peborit nya yun every weekend yun ang pinapanuod nya, so yun na nga ako naman ang kontrabida syemre alangan parehas kaming bida! hehehe. but since ako ang malaki natatalo ko sya ( ang daya ko nuh
) hala napipikon ang bata tapos iiyak sya mag susumbong sa nanay papagalitan ako ng nanay, kaya sige lang magpapatalo na lang ako kahit na ni di nya nga ako masipa hahahaha….. anyways pagod na ako kaya sabi ko ayoko na….. eh yun pa naman once na makipag harutan ka na di ka na nun titigilan as in napaka hyper ng batang yun gusto nya laro daw ulit, ang sabi ko “natalo mo na ako di ba patay na, alangan mabuhay pa ulit!” sabi naman nya o sige ibang mumo ka naman!!! ang adik sabi ko “ayoko na tigilan mo na ako!” at ang pinangtapat nya sa akin isang malakas na iyak! syempre nagalit nanaman ang nanay nya sa akin ang hilig ko raw magpa iyak! so sabi ko sige na game na! pero ayaw nang tumigil sa pag iyak ng pamangkin ko kaya kinarga ko sya, tinanung ko sya anu naman ang gusto mong gawin? at ito ang sagot nya “tugtug sarah!”……….
nagsisisi ako na umayaw pa ako sa laro. ayoko kasing pinatutugtug si sarah kung special request nya kasi kukunin nya yung inlay nang CD tapos makikikanta sya kunwari kay sarah at verytime nangyayari yun nag-aalala ako baka kasi mapunit nya yung inlay napunit na nga nya yung sweet 16 CD cover ko eh naku napatulan ko talaga sya ( ang mean ko nuh di ko na lang idedetalye kung anu nagawa ko sa kanya! pero di ganun ka-brutal! hehehehehe ) kapag di mo naman binigay sa kanya sya mismo ang kukuha lalong masisira kaya mega bantay ako sa kanya bawat lipat nya ng page, bawat pag hawak nya pinagmamasdan ko talaga sya.
and then natapos ang CD yung isa naman daw naiiyak na ako buti na lang dumating ang ate ko at pinabuksan ang TV geeezzz thanks sa ate ko CD saver hahahaha……. tapos nun sabi ng pamangkin ko “tita bukas sarah ulit ha!” di na lang ako umimik, hehehe well as you have read yeah adik yung pamangkin ko kay sarah haha pero di ko tinuro sa kanya na gustuhin nya rin si sarah, nagka taon lang na laging nakikinig ako kay sarah, laging pinapanuod si sarah, puro sarah kaya yun mukha na rin syang si sarah
pero i admit meron akong tinuro sa kanya nasabihan nga ako ng ate ko kung anu anu daw tinuturo ko sa pamangkin ko hahaha….. tinuruan ko kasi sya na mainis din kay shit….. ay este shin pala hahahaha…….
pag nakita nyo ang pamangkin ko tanungin nyo ang mga ito:
“sinong galit natin?”
“sinong pangit?”
“sinong pango?”
asahan mong isasagot nya si shin
at kapag eto ang tinanung mo sa kanya
“sino ang idol mo?”
“sinong maganda?”
“sinong di pango?”
at ang isasagot nya syo ay si sarah
at may pahabol pa yan na tanung:
“sinong boyfriend ni sarah?”
at isasagot nya si piolo
“anu ang pangalan ni sarah sa pangarap na bituin?”
sasagutin ka nya nang emerald sabay kanta ng pangarap na bituin awow! yun lang ang tinuro ko talaga sa kanya pero di ko sya in anyway inobliga o pinilit na maging adik kay sarah as much as possible kasi ayoko ng ganun minsan nga lahat ng alam ko kay sarah sinsarili ko na lang baka kasi sabihin ng pamilya ko adik ako kay sarah eh di naman tambay lang ako sa Fans club ni sarah hahahaha…..
then minsan nga pilot epi ng Pangarap na bituin eh may chocolate sya ayaw nyang mamahagi eh feeling nya naman mauubos nya yun ang dami kaya nun kaya sabi ko “wag kang manunuod ng emerald ha!” hala ang bata natakot at ibinigay lahat sa akin nyahehehe….. tapos kung nung pilot epi eh mega tanung sya kung bakit ummiyak si emerald na kesyo si sarah kumakanta at kung bakit sila nag aaway ngayon naman tutok ang lola mo hahaha…….. pakiramdam ko nga nauna na syang naging adik sa akin hahahaha…….
yun lang nakwento ko lang natutuwa kasi ako sa pamangkin kong yun 3yrs old lang sya fanatic na! kapag tinananung mo nga yun kung gusto nyang mag artista oo naman sya at kung katulad ni sarah oo rin ang sagot hahaha ako ang manager nya pag nangyari yown
mousmous said,
September 11, 2007 at 7:37 am
ayown un eh! mas naunang maging adik ang pamangkin!
o ang adik eh yung pamangkin lang kasi ung tita eh tambay lang
meron palang ganun! haha
natawa ako nung binabasa ko ito, parang ang petiks ko kasi ngayon, naaliw ako
tinsters said,
September 12, 2007 at 2:54 am
yown!!! haha… ako rin ate natatawa sa pamangkin ko! inunahan pa ako! hahahaha….
mousmous said,
September 12, 2007 at 7:18 am
may pagmamanahan ung pamangkin mo naman kasi eh
ang cute nung sinabi nya na “tugtug sarah…” parang markado na yung music ni sarah haha!
tinsters said,
September 12, 2007 at 7:40 am
markado na talaga ate marinig lang nun yung ISBILY sa radio tatawagin na ako si sarah daw nakanta hehe
mousmous said,
September 13, 2007 at 10:54 pm
nakakatuwa naman ang pamangkin mo, haha! dapat isama mo na sa fan club ni sarah! for sure paglaki nya sasali yan haha
tinsters said,
September 14, 2007 at 5:02 am
gusto nya ngang sumama sa malltour ni sarah
kasi nandun din daw si jolibee hahaha….. gusto ko ng isama kaya lang siksikan eh hirap sumingit kapag may bitbit na bata hahahahaha…..